Mga Kwentong Bartero

Hindi lahat ng kwento kwela.
Hindi lahat ng kwento ay totoo.
May kwentong barbero.
May kwentong kutsero.
Pero ang kwento ay kwento.
Ang akin, Bartero.
Basahin mo...
Malay mo...
May kwenta rin pala kwento ko.

Pasko Na!! Nga Ba?

December 21, 2007

Ilang araw na lang, PASKO NA!!! E bakit parang hindi ko ramdam? Is it just me o talagang nawawala na ang sinasabi nilang diwa ng Pasko?

Nasa Trinoma ako kanina lang with some friends at bumili kami ng mga regalo. Since kuripot naman ako, hindi ko na bibigyan lahat ng mga kaibigan ko ng regalo. Bumili na lang ako ng para sa akin. Pero kahit na ganun pa, hindi ko pa rin ramdam na malapit na ang Pasko.

Dahil ba mainit? Dahil ba busy sa school lately? Dahil ba magulo ang unli at hindi makatext ang mga dapat at dating nakakaalala sa akin? Tumatanda na ba ako at totoong 'Christmas is for children'? Dahil ba wala akong inaaalalang special someone? Hindi ko alam. Basta ang alam ko dapat nagreredy na akong magsaya… dahil Pasko na!

Hindi rin pala ako excited umuwi sa Tugue ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi naman ganito last year. Dati sobrang after the test e gusto ko nang umalis sa magulong lugar na ito. Baka nasasanay na ako sa ganitong magulong lugar. Wala na ring nagtatanong ngayon kung uuwi na ako. Kasi dati, sandamakmak na tao ang nagtatanong kung uuwi ba ako, ngayon, nanay ko pa lang ang nagtatanong. Siguro sanay na rin sila na wala ako at sanay na rin sila na hindi ako nagpaparamdam masyado kapag nandito na ako sa Manila. Feeling ko nga ang sama sama ko na sa kanila. Pero busy kasi talaga sa school at talagang nagtetext na lang ako kapag may sasabihin ako. Hindi na ako nagtetext ng quotes o kahit goodmorning man lang sa kahit na sino. At kuntento naman ako sa ganun kahit na parang minsan nakakaguilty.

Pero balik sa papalapit na Pasko, sana may snow din dito sa Pilipinas… kahit na minsan lang. Mainit dito sa Manila, ang masaya, sabi malamig daw sa Tugue. Hindi man nagssnow pero at least lumalamig din dun pag mga ganitong season. Kahit na pinakamainit na lugar sa Pilipinas ang pinanggalingan ko, malamig naman dun minsan at madalas pag gabi. Haaaaaaaaayy… ngayong ko lang namiss ang Tugue… salamat sa pagbblog ko. Hehe.

Nagtext si mama kaninang hapon. Sabi niya, magmemedical mission daw kami sa hometown niya sa 22. Ako daw taga-vital signs niya. Ang kaso, sa 22 ng gabi pa ako uuwi dahil baka pumunta kami ng Tagaytay bukas (kung matutuloy). Nakakalungkot naman. Feeling ko, naexcite pa man din si mama na makasama ako sa med mission niya. Yearly kasi niya ginagawa yun, at last year sumama ako kahit na tagadispense lang ako ng meds. E ngayon, since feeling ko bihasa naman na ako sa vital signs e hindi naman na ako makakapunta. Haaaaaaaaaaay. Nakapagreserve na ng tickets yung ate ko pauwi. Bukas na siya uuwi. Ako, sasabay sa kuya ko sa 22. Makakauwi ako ng 23. Haaaaaaaaaaay… asan na ang dating Pasko? Gusto kong maging bata ulit ngayong Pasko lang… kahit ngayong year lang.

Malungkot ako ngayon dahil hindi ko ramdam ang pasko. May mga regalo na akong natanggap. May mga party na rin akong napuntahan. Pero wala pa rin talaga.

Kahapon, Paskuhan sa UST. Kasama ko ang mga kaibigan ko na pumunta. Pabidahan sa porma kahapon. Pero kami, nakauniform with matching nameplate pa. Hindi na kasi makakabalik yung isang kaibigan ko kung sakaling umuwi pa siya, kaya sinamahan na namin siyang maguniform. Last year, nakauniform nanaman kami ng tropa ko. At baka i-yearly ko na ang pag-uuniform sa Paskuhan. Ok lang yung paskuhan. ok lang, yun ang masasabi ko. Mas nag-enjoy ata ako last year. Parang pareho lang naman yung mga kasama ko, may mga nabawas at nadagdag pero parang mas masaya yung last year. Hindi lang naman ako ang nakapansin, halos lahat naman kami, parepareho ng comment. After Paskuhan, inuman naman kasama ang iba ko pang mga kaibigan. Chill lang.

May Santa ba? Kung meron, gusto ko sana ng masayang Pasko ulit. Kahit yung lang ang regalo ko ok na. Please. Kahit yun lang. Santa, kung may internet ka, pakibasa blog ko at tuparin ang wish ko. Comment ka na rin kung nabasa mo 'to. (Walang magjojowk a, gusto ko yung tunay na Santa ang magcocomment. hehe).

One question Santa, do you understand Tagalog? May Pilipino ka rin bang elf (two questions pala)? Sana meron para naman hindi lang si Manny Pacquiao ang Pilipino sa mundo. Hehe.

Posted by mgakwentongbartero at 12:12 am | permalink | comments[6]

Sponsored Links