Home » Archives » August 2007
Xiang
August 16, 2007Ngayon alam ko na ang feeling ng in love. Natutunan ko yun kay Xiang (masakit talaga sa loob ko dati na tawagin sya sa pangalan na yan dahil sa pangalan na yan naaalala ko na hindi kami pwede kaya kahit lahat ng kaibigan namin yan ang tawag sa kanya, Diana pa rin ang tawag ko sa kanya). Para masabi a mapatunayan lang na naka-move on na ako, yan ang itatawag ko sa kanya at isusulat ko na ang mga pinakatatago kong mga thoughts.
After ko tumigil sa panliligaw sa kanya, inisip kong hindi na ako maiinlove ng ganun kalalim ulit. Totoo nga (for now). Marami na akong nagustuhan after niya pero sa tingin ko hidi ganun kalalim tulad ng sa kanya. Akala ko talaga noon na siya na talaga. Umasa ako. Naniwala pa kasi ako sa putek na tadhana na yan. Ngayon alam ko na na hindi lahat ng signs ay totoo.
Naalala ko nong nasa harap ako ng St. Louis at nag-aantay sa kanya habang hawak hawak yung maliit na pink teddy bear na pasalubong ko sa kanya…
Naalala ko nung birthday niya at tumawag ako at natupad yung unang sign…
Naalala ko yung paghahanap ng blue rose sa Baliwag na ipapadala ko pa sana sa kanya nong birthday niya…
Naalala ko ang Silent Sanctuary…
Naalala ko nong nag-gu-gruptext pa ako kahit alam ko naman na para sa kanya lang talaga yung text na yun…
Naalala ko yung mga kantang pinagsesend ko…
Naalala ko yung kulitan namin kung bakit ko siya namimiss…
Naalala ko yung araw na pinayagan niya ako manligaw…
Naalala ko ang MUAH…
Naalala ko ang Canon…
Naalala ko yung poem ko sa kanya na nakatago pa rin sa drawer ko at binabasa ko paminsanminsan…
Naalala ko ang good night… Masakit ang good night…
Naalala ko ang araw araw naming kmustahan na parang antagal di nagusap…
Naalala ko ang ngiti niya… Kasama na dun yung 'mini' dimples nya…
Naalala ko ang mga mata niyang kay sarap titigan… Hinding hindi ko makakalimutan ang mga matang yun… Dun ako unang nahulog… Dun ko rin nakitang hindi pala pwede…
Naalala ko siya…
Naalala ko ang pinakaunang babaeng minahal ko… Na handa kong isakripisyo ang lahat para sa kanya… Dati naisip k pang lumipat ng school sa Tugue para sa kanya…
Naalala ko si Xiang Chan Tang…
Yung iba pang tungkol sa kanya, kinalimutan ko na (sabi ko lang yan para hindi na masakit)…
Matagal ko na siyang hindi nakakausap. Nagkita kami sa debut ng common friend namin. Kung nasaan siya, umiwas ako.Ako ang umiwas kasi masakit pa rin noon. Hanggang nung malapit na matapos yung gabi, pauwi na sila. Nakupo ako noon, dumating siya para sabihin dun sa nagdebut na uuwi na siya. Pagpasok niya nagkatinginan kami. Yun yung huling beses ko siya nakita. Pag-uwi niya pinatext niya sa kaibigan niya: nagsosorry siya dun sa nangyari. Di ko na nireplyan.
Ngayon, masakit pa ba?? HINDI NA
Bitter ba ko sa nangyari?? DATI LANG
Masaya ba ako ngayon?? PINAKA
Makakalimutan ko ba siya?? NAKALIMUTAN NA
Mahal ko pa ba?? HINDI NA…
Minahal ko ba?? OO, PERO NAGYON WALANG WALA NA
Sana kahit papano, may naramdaman din siya sa akin. Nong mga panahong in-love pa ako sa kanya, buong araw, siya lang nasa isip ko. Buong araw kasi siya lang kausap ko. Alam kong wala ng tulad niya. Pero sigurado ako may hihigit sa kanya.
Natuto ako maging emo dahil sa kanya. Nagulo mundo ko dahil sa kanya. Naubos ang hiya ko dahil sa kanya. Sa kanya ko lang naging handa ibigay ang lahat. Unang beses kong umiyak dahil sa kanya. Sa kanya ako natuto magmahal.
Ngayon, naghahanap ako. Ang sarap kasi ng feeling pag in-love… Hindi para makalimutan siya ng tuluyan… Hindi para masabi lang… Hindi ko alam… Siguro gusto ko lang yung feeling na may minamahal ka… Yun bang parang may halaga yung buhay mo… Yun bang gusto mong magising araw araw kasi nanjan siya…
"Masarap mag good night sa taong mahal mo. Mas masarap pag nagu-good night din siya sayo."
Sabi niya: "Basta ayokong mag-gudnyt kasi parang gudbye na rin yun."
Ang huling text niya sa akin: 'sory talaga sa mga nangyari. thank you sa lahat lahat. pno ba yan, after nito parang di na ulit tayo magkakilala. bakit kasi dapat gnun pa. good luck na lang sa studies.Good Night. ayan nasabi ko na'
-^^D


