Home » Archives » August 2007 » Page 2
08/15/07
August 16, 2007Natutuwa ako kasi after six months after ko isulat at burahin din naman e nabasa ko ulit yung mga kwento kong ilalagay ko sana sa blog na gagawin ko sana noon na hindi ko rin naman ginawa. Ngayon may blog na ako at napaka-good start na yung mga kwento na yun kasi wala talaga ako maisip na ilagay sa blog ko. Buti matalino yung Recycle Bin namin. Ngayon alam ko na na may purgatoryo nga para sa mga files ng computer (hindi redundant yan, intindihin mo nalang). Since then, ano na nga ba ang mga bago sa akin? Natutuwa ako ngayon kasi parang reminiscing the past nanaman. Feeling ko ang laki na ng pinagbago ko. Second year na ako ngayon syempre sa UST pa rin (pumasa ako, sa kasamaang palad, si Berj aka Tall ay hindi na nakabangon mula sa 58 nyang grade sa Chem last sem). Ngayon habang nakatingin sa aking nameplate (hehe… nakangiti pa yan habang nakatingin) masasabi ko ngang mas exciting ang second year. New classmates, new friends, new subjects, new experiences, new uniform, new hair (kahit binabalik balik ko minsan yung dati), at syempre new mindset at view in life. 3 months na ako pumapasok as second year. Half day lang kami ngayon salamat kay Pareng Egay. Isipin mo naman, 3 quiz ang hindi natuloy dahil nga walang pasok. Sayang nagpuyat pa man din ako kagabi para sa MP. Nalate ako kaninag umaga sa Ana Phy kasi 6:30 na ako nagising e 7:00 yung pasok ko. Kasalanan ng ulan yan e, napasarap yung tulog ko. Naka alarm naman ako ng 5:00 kaso wala na ata talagang effect yung alarm tone ko na recorded na pagkanta ko ng Rebound. Haha. Paggising ko nakita ko si Ate Tess (si Ate Tess pala ang pumalit kay Leny). Dumating pala si Ate Sheena. Akala ko may kausap syang engkanto. Pero nagmamadali na talaga ako, nagbrush na ako agad tapos naligo. Ayun pumasok na ako. Dumating ako sa school mga 7:45 na. Maaga rin naman natapos yung Ana Phy kaya nagbreakfast na rin ako. Kumain ako ng Pancit. Namimiss ko na kasi pancit sa Tugue. Actually, namimiss ko na rin ang Tugue at saka yung mga tao dun pero wala talaga akong magagawa. Tapos pumunta kami sa MP Lab para tapusin yung culture experiment namin. Tapos inonounce na walang pasok. Weee… walang quiz sa Computer, FNP, at MP. Tapos tumambay muna kami sa Catwalk at naghulaan gamit ang Fortune-Telling Cards ni Lou. Isang malaking kasinungalingan yun. Hindi totoong hindi ako ikakasal. Hindi totoong poor ang magiging love of my life. At hinding-hindi totoong dreamer lang ako at puro ambition. Isang bagay lang ang alam kong totoo dun. Ang question: ‘How many times will you fall in love?’. Ang hula: ‘ Often but in vain’. Napaisip nga ako. Totoo nga. Madali nga ako ma-fall pero ang alam ko minsan pa lang ako nahulog ng malalim. Ayun nakaakyat na ulit ako. Ready to mingle na ulit ako. Haha. Meron nga ako nagugustuhan ngayon e, kaso hindi pa ako sure. Kaya tignan ko na lang ang mga susunod na pangyayari. Back to the kwento, Operation Birthday kami kanina (makagets na ang makagets) tapos derecho kami nila Lou, Vianney at Diego papunta SM San Lazaro para bumili ng gift para kay MJ. Naghanap din kami ng maskara para sa Masquerade Ball na debut ni MJ. In the end, wala kaming nabili na regalo at maskara. Kumain nalang kami ng Congee tapos nagHalf-Life. Haha. Nakakatuwa yung laro namin. Tapos dumating na daw yung dad ni Lou kaya uwian na. Weeeee… kaka-announce lang sa TV Patrol na walang pasok bukas. Tulog time nanaman (mga nurse talaga ambilis sa kama, makakita lang ng kama, tulog na. Haha). B2dk (Back to the kwento. Pauso!), hindi ko inexpect na magiging ganito tong araw na ‘to. Akala ko pamatay tong araw na ‘to. Haaaayy… Napakagandang araw kahit inaantok ako buong araw. Release of Result ng Nursing Board Exam pala ngayon, ‘sana pumasa yung si Ate Annika. Lumabas kasi sya ngayon kasama si Ate Sheena kaya ‘di ko pa alam kung ano na result. Gusto ko syang pumasa para itaguyod nya naman ang mga nakakabatang kapatid nya. Haha. Kung pumasa sya bibilhan ko sya ng cake sa Goldilocks. GOOD LUCK NA LANG SA KANYA!! WOOOOOOOOOOW WALANG PASOK BUKAS!!!


