Home » Archives » August 2007 » Page 4
02/05/07
August 16, 2007Monday ngayon pero wala kaming pasok (nakalimutan ko yung dahilan kung bakit). I stayed home for the whole day (literal na whole day). Nagreview ako sa SA uli tapos English saka Filipino. Rereviewhin ko na mamaya yung Theo. Parang ang pinakamahalagang nangyari lang sa araw na ‘to e yung binasa kong Short Story sa Varsitarian entitled Overpass. Sinulat sya ng isang Journalism Student, pangalan nya is Mel. Nanalo yung kwento nya ng Rector’s Literary Award sa Ustetika, parang writing contest sa UST. Actually, binalak ko ring sumali dun last sem kaso kalaunan e nawalan din ako ng interest at ‘di ko na tinuloy. Next tear siguro sasali ako. Kaso ‘di ko pa alam kung anong magandang topic. Yung overpass kasi kanina na binasa ko e about dun sa nakita nyang namatay na matanda dun sa overpass sa Espanya. Nice story all in all tapos true to life pa. Naisip ko tuloy yung overpass na yun. FREAKY!!! Dun ako dumadaan pauwi. Tinignan ko pa yung iba pang winners sa Ustetika sa different divisions. Napansin ko puro Literature saka Journalism karamihan ng nananalo. Lalo tuloy akong ginanahan. Siguro medyo may pagmamayabang kaya gusto kong manalo dun. No one seems to notice my writing skills. Deep inside, alam kong may pagkamakata din ako kahit papano. ‘Di lang kasi ako ganun kagaling mag-express. Kaya siguro ginawa ko tong diary na ‘to, para may paglagyan ako ng mga nasa isip ko. Wala man lang Nursing na nanalo dun sa Ustetika. Gusto ko manalo nun. Parang napkalaking prestige. It’s 2:28 in the morning. Nagising ako. Hindi ko ‘to natapos kanina kasi ginagamit nila ‘tong computer. Hindi ako makatulog. Binabangungot pa ata ako. Nagising ako kanina parang ang sakit ng ulo ko na parang wala ako sa sarili. Anxiety siguro ang dahilan. Pero anxiety from what? Parang ang bigat ng ulo ko. ‘Di na ata ako makakatulog. Babasahin ko na lang yung book ko sa SA. Ang haba ng pinanapareview ni JV. Saka today nga pala is Sugarfree day. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT BUONG ARAW E SUGARFREE ANG PINAPATUGTOG NG LAHAT!!! Kapitbahay saka dito, lahat na ata ng kanta nila e narinig ko na ngayong araw na ‘to. Hay!!! Sana makatulog pa ako!!! “Tulog na… Hayaan namuna natin sila… nanananana…” Go Sugarfree!!! At… magnanakaw pala yung bisita ni Leny nong Friday. Putek, nawalan ng 100 pesos dun sa kwarto. Sabi ni Leny baka kinuha daw nung bisita niya nong naglilinis sya sa kwarto. Ang bobo talaga nun. Bakit nya kasi hinayaang pumasok yung p*tang yun!!! Sabi nya pinsan daw nya yun. Pero sa totoo lang ata e nakilala nya lang sa telepono. Napag-isip ko rin tuloy na sya yung kumuha. Bahala sya sa buhay nya. Maghanap sya ngayon ng pangbayad nya sa 7,000 pesos na bill nya sa telepono. Ang tao nga naman… Malapit na due nun. Feeling ko ‘di pa nya nasasabi sa kuya nya yun. Bumili na lang sana sya ng fone. Anyway… ‘Di na kailangan problemahin ng bayan yan. Kanya-kanyang problema lang yan… ANG PROBLEMA KO… ‘DI AKO MAKATULOG!!!


