Mga Kwentong Bartero

Hindi lahat ng kwento kwela.
Hindi lahat ng kwento ay totoo.
May kwentong barbero.
May kwentong kutsero.
Pero ang kwento ay kwento.
Ang akin, Bartero.
Basahin mo...
Malay mo...
May kwenta rin pala kwento ko.

Ako Ang Nagwagi… Nga Ba Ako?

September 28, 2007

"Hindi na ako galit dahil sure na akong wala naman na akong ikagalit" =)

Ikukwento ko lang mababaw na side ko…

Bakit pa ba ako pinagpapawisan ng ganito? Hindi ko talaga alam kung bakit. Buong buhay ko, ngayon ko lang ako makaranas ng ganito, pagpawisan ng sobra sobra dahil nakita ko ang Lubby Dubb ko kasama ang kanyang "ex"manliligaw.

Masakit pala pag marinig mo siyang sabihin ang pangalan ng "ex"manliligaw niya. Masakit pala makita silang masaya. Maiisip mo kahit papano meron din naman silang "past" di ba. Mas masakit lalo kung alam mong yung "past" na yun e kailan lang nangyare. Masakit din dahil alam kong mas mahaba pa pinagsamahan nila kesa samin. Friends pa sila.

Minsan masakit din dahil minsan feeling ko ako pa rin ang dehado. "Underdog" kumbaga. Kung sa boxing 'to, ako nga ang nanalo, mas marami naman akong pasa at bukol at nanalo lang ako dahil sa desisyon lang dahil nagka-head bat kami nung kalaban ko at nagkataon lang na mas matigas ang ulo ko kaya siya ang nagdugo at siya ang sumuko. Mas masakit kasi ang mga fans, nag-boo pa saken. AKO ANG NAGWAGI… NGA BA AKO?

O sige, aaminin ko na para masaya… Kagabi, tinignan ko ang multiply ni Lubby Dubb. Wow… daming pics… NILA… Pero inisip ko, past na yun e, bakit pa ako magseselos. Pero hindi ko talaga alam kung bakit nalang bigla gusto kumawala ng puso at gustong makipagsuntukan sa mga siga sa kanto. Natulog ako kagabi… yun ang nasa isip ko…

Minsan lang kasi masakit kasi alam mong mas lamang ang kalaban mo. Sipag lang ang pantapat mo para makakain ng nilaga. 

Hindi ako in-born na seloso. Sa mga kapatid ko, hinding hindi pa ako nagselos. Sa mga classmates ko, hinding hindi pa ako nainggit. Kaya nang makita ko sila, ayun, labas lahat ng naipon kong pwersa… parang gusto ko magsupersayan. Feeling ko kanina kahit si Tayson pa e col ko makasparring dahit sa sobrang ngitngit ko. Pero pumasok lang ako sa room, parang nabibingi na at wala nang naririnig na kahit na ano. Isa lang nasa isip ko… "Cool lang, wala lang yun." Umupo nalang ako… nag-aantay na may kumausap saken at ma-divert naman ang aking atensyon… pero walang tunay na kaibigan na dumating. Feeling ko nanaman napaka-mag-isa ko sa mundo. Lumipas ang mga segundo at minuto… nag-aantay ako. Bawat bukas ng pinto, nagdadasal ako na sana si Lubby Dubb na ang papasok. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, dalwampu't lima… hindi pa rin siya pumapasok. Pumasok na ang prof, sa wakas pumasok na rin si Lubby Dubb. Minuto lang ang lumipas pero feeling ko tatlong araw ako nakaupo sa upuan na yun. Tatlong araw na ako lang… nakatunganga.

Naiinis ako sa sarili ko dahil ambabaw ko na. Ayoko lang talaga kasing maagaw siya saken dahil baka mahirapan akong kayanin. Kaya pag pinagpapawisan na ang aking ilong… pupunasan ko na lang. Ayoko nang gumawa ng kahit na ano na magiging dahilan ng away. Dahil mas nasasaktan ako lalo kung nakikita ko siyang galit dahil sa kababawan ko.

Sorry Lubby Dubb… Aayusin ko na… Hehe…

Sobrang mahal kasi kita… Kaya siguro ako nasasaktan…

Tungkol pa sa pain yung lesson kanina sa FNP… Tinamaan tuloy ako… haha… buti wala na yung pain… haha… nagclose na ang gate sa spinal cord ba yun?? ewan… d ko masyado naintindihan e… Haha…

Ako ba ang nagwagi? Oo… JACKPOT PA!!!

Posted by mgakwentongbartero at 8:17 pm | permalink | Add comment

Sponsored Links