Home » Archives » October 2007
Second Monthsary: Namamanhikan?
October 26, 2007Two months na kami ni Lubby Dubb. Pero parang feeling namin, in a good way, antagal na namin kasama ang isa't isa. Ngayon, sure na sure na talaga kami na para sa isa't isa kami. Sabi ni Lubby Dubb, dati daw 'di niya ako maimagine kasama niya ako sa future, ngayon, 'di na daw niya maimagine na hindi ako ang kasama niya sa future. Parang yun ang pinaka-sweet na nasabi sa'kin. I love you Lubby Dubb. We will love each other forever. Second monthsary… getting closer to forever.
Kanina, pumunta ako sa bahay nila sa Meycauyan. Antagal namin pinag-uasapan kung anong dadalhin ko, in the end, half gallon Coffee Crumble at half gallon Ube Macapuno ang nabili ko. Haha. Hindi ko alam ang sakay papunta dun pero masaya yun dahil na-divert ang attention ko sa paghahanap ng daan dahil kabadong-kabado talaga ako. First time ko bumisita sa kanila.
Sa kadahilanang hindi ko alam ang papunta dun, napilitan akong magtanong-tanong sa kung sino sino sa daan. At sa kabutihang palad ay nakarating ako ng buhay, pero tunaw ang ice cream ko. Sinundo ako ni Lubby Dubb pagbaba ko sa jeep at naglakad kami hanggang sa bahay nila. Tumumbad sa amin si Kuya Mon, nagddrums. Haha. 'Di ako pinansin, 'di ko alam kung good thing yun o bad thing. Basta ang alam ko, kabado pa rin ako. Duretso kami sa kusina kung saan ay nagluluto si Mommy, mommy ni Lubby Dubb. Nagluluto ng Sinigang sa Bayabas, ang favorite ulam ni Lubby Dubb. Natutuwa ako dahil nagprepare si Mommy sa pagdating ko. Natutuwa ako kay mommy dahil napakabait niya. Sabi ni Lubby Dubb, boto daw si Mommy sa akin. Namamanhikan ba ako? Haha.
Kinamusta ko rin si Lucky. Miss na miss ko na siya. Nagdala ako ng pabango para maging kaamoy ulit ako ni Lucky at para mamiss ako lagi ni Lubby DUbb. Haha.
Naglunch kami kasama sina Kuya Mon at Kuya Jackson. 'Di ko alam kung bakit mas natatakot ako kay Kuya Jackson, siguro dahil kamuka niya si John Regala, sabi ko. Haha. Si Kuya Mon, alyas Mafia Leader, mukang mabait naman at mukang makakasundo ko kung sakali. Pero si Kuya Jackson, nakakatakot. Haha. Busog na busog ako sa Sinigang sa Bayabas at Crispy Fried Chicken at Mango Shake. At dagdag ang ice cream na dala ko. Kaya daw siguro tumataba si Lubby Dubb sabi niya. Haha.
After lunch, pumunta kami ng SM Marilao. Labas-pamilya? Haha. Ibig sabihin ba nito part of the family na ako? Haha. Nag-grocery sila mommy, at pumunta muna kami ni Lubby Dubb sa Toy Kingdom para hanapin ang mga kapatid ni Lucky. Hindi namin nakita, naglambingan lang kami sa tindahan ng laruan. Haha.
Tapos, pumunta kami ng David's Salon. Magpapagupit si Lubby Dubb. Todo-suporta naman ako sa desisyon niyang yun. Haha. Habang ginugupitan siya, tumugtog ang aming theme song, "Nothing's Gonna Stop Us Now". Siyempre, kinilig naman ako dahil nagkatinginan kami ni Lubby Dubb. Ayaw niya ng bangs niya kahit ang ganda ganda naman niya. Haha. 'Di ko pa rin magets kung bakit ang laki ng pagkakaiba ng millimeter sa bangs. Haha.
Sumunod kami sa Supermarket kung saan naggrocery sina mommy. At kahit ganado akong bumili, 'di ako makabili kasi hindi ko naman maiisasabay sa pagbayad ng mga binili nila. Haha. Kaya nagtakam nalang ako sa pagtingin sa mga chocolates. Haha. Natawa nalang din ako nang tinawag ni Kuya Mon si Lubby Dubb na Bernard dahil daw muka syang lalake sa gupit niya. Haha. Ganun talaga siguro pag magkapatid dahil siguradong sigurado akong maganda si Lubby Dubb sa bagong gupit niya.
Tapos, pumunta kami ng Yellow Cab para bumili ng merienda. Haha. Bonding moments with mommy uli. Haha. At pagkatapos ay bumalik agad sa sasakyan. Kumain na kami dun nila Lubby Dubb at Mommy dahil gutom na daw sila. Haha.
Pagdating sa bahay nila, pinasok ang mga gamit. At nagpaalam na rin ako dahil kelangan ko na ring umuwi. Dahil trip ko na mamaya pauwi. So, nagpasalamat ako at umalis na. Hinatid ako ni Lubby Dubb hanggang sakayan. Bye bye kiss. Ahhwww. 1 week nanaman akong maghihintay. Pero kaya yan. Haha.
Oct. 26, 2nd monthsary. We spent the day in Meycauyan with Lubby Dubb's family.
I love Lubby Dubb's family kahit natatakot ako kay Kuya Jackson. Haha.
I love you Lubby Dubb. Mamimiss kita. 1 week nanaman. Kainis na sembreak. Haha.
HAPPY MONTHSARY. <3<3
It's now 8:15. 8:45 trip ko pauwi. Haha. Bye Manila. I shall return.


