Mga Kwentong Bartero

Hindi lahat ng kwento kwela.
Hindi lahat ng kwento ay totoo.
May kwentong barbero.
May kwentong kutsero.
Pero ang kwento ay kwento.
Ang akin, Bartero.
Basahin mo...
Malay mo...
May kwenta rin pala kwento ko.

Makati Standoff

November 30, 2007

Anong masasabi ko sa nangyari kahapon?

  • Pabida si Trillanes. Feeling Andres Bonifacio. Kasi Bonifacio Day ngayon. Tama bang magsisigaw ng "Sumama na kayo sa amin" sa gitna ng daan para manghikayat ng mga tao. Sinong mga bobo naman ang sasama sa ganun. Pabida. Hindi rin naman pala kayang tapusin. Pwet.
  • Walang kwenta ang AFP. Para saan ang tangke sa loob ng hotel. Tatangkehin ba nila si Pabidang Trillanes? Panindak lang? Para saan ang tear gas sa loob ng isang napaka luwang na area. Pati nga media hindi nila napalabas e. Walang kwenta talaga.
  • Pagulo ang media. Kudeta ba yung kahapon? Kung oo, kudeta ba yun ng mga media? Asus, puro media lang ang nakita ko sa TV e. Parang 1:10 ata ang ratio ng sundalo at media. Masabi lang nila na matapang sila, hindi sila umalis. Asus, tapos sasabihin ni Pabidang Trillanes na media ang dahilan kaya sila sumuko. Pwet. Pabida talaga. Pati media, pabida, haharang harang. Pano kung nabaril sila? Sisihin nanaman nila ang gobyerno nanaman? PABIDA!!!
  • Anong Martial Law nanaman yan? Anong curfew curfew? Pausong Gloria yan. Hindi pwedeng magkamartial Law. Paano na lang ang mga taong sa gabi nabubuhay? Paano ang mga may night life, may night duty, mga security guard, mga p*ta at bugaw, mga tindero ng balot, mga lasinggero? Paano nalang?
  • Ano nang susunod? Kelangan pa bang makialam? Ano bang magagawa ko? Sana matuloy yung debut na pupuntahan ko mamaya sa Makati. Amp. Yun lang naman talaga ang pakialam ko e. Walang kwentang citizen talaga ako.
Posted by mgakwentongbartero at 7:45 am | permalink | comments[5]

Sponsored Links