Mga Kwentong Bartero

Hindi lahat ng kwento kwela.
Hindi lahat ng kwento ay totoo.
May kwentong barbero.
May kwentong kutsero.
Pero ang kwento ay kwento.
Ang akin, Bartero.
Basahin mo...
Malay mo...
May kwenta rin pala kwento ko.

Tapos Na

November 4, 2007

I'm Back. Last day na ito ng aking sembreak. Pasukan na bukas. Gusto ko nang pumasok. Gusto ko nang mag-aral. Gusto ko ng patayan uli sa school. Famadico game na.

Walang kwenta ang sembreak ko. Walang kwenta ako. Ano bang ginawa ko at nagkaganito ang sembreak ko? Tinamad akong gawin ang kahit na ano. Kung dati, pag bakasyon, may ina-accomplish akong kung ano; ngayon, walang nangyaring kahit na ano.

Nakita ko na kung gaano kaboring sa Tugue. O baka ako lang yung nagiging boring na. Kung dati, pag bakasyon, walang araw na hindi ako lumalabas, may kasama man o wala. Ngayong sembreak, naging masama pa sa loob ko lumabas ng bahay.

Pero tapos na. Nakapagpahinga naman ako kasi puro tulog lang naman ako at nood.

Pasukan na. Babawi na lang ako sa Summer.

Bye bye sembreak. I hate my sembreak.

Yes, ganado ako mag-aral ngayon…

 

Posted by mgakwentongbartero at 6:09 am | permalink

Add a comment