Home » Post Item » May Nakalimutan Ako
May Nakalimutan Ako
November 10, 2007OK. Nag-hang ang pagkatao ng dalawang buwan at mahigit. Ngayon, binabalik ko na ulit ang dati. Marami akong natutunan at marami rin ang nagbago sa akin. At sa susunod, alam ko na ang mga mas tamang gawin.
For two months, nakalimutan kong palakaibigan pala ako. Nakalimutan kong ako yung tipong game sa kahit na ano sa kahit na anong oras… basta nga ba hindi ako inaantok. Nakalimutan ko ang mga simpleng nagpapasaya sa akin. O baka naman hindi ko nakalimutan yung mga yun, sa tingin ko, binago ko sila… para sa kanya. Ngayon, ibabalik ko na… ulit.
Nakalimutan ko ang mga tunay kong kaibigan. Napakasama ko. Masyado akong naging madamot. Tinuon ko ang lahat sa kanya lang. At noong panahon na ako ang iniwan at mag-isa… nandun pa rin sila, nagaabot ng kamay.
Nakalimutan kong marami pala akong kaibigan.
Salamat sa inyo. Salamat ng marami. Babawi ako sa inyo.
Nakalimutan kong may sarili pala akong buhay. Nakalimutan ko ang sarili ko. Nakalimutan ko si Bart.
So ano… tara… "kahit saan"…



hmmmm.
Posted by Madel at November 10, 2007, 9:43 pm