Mga Kwentong Bartero

Hindi lahat ng kwento kwela.
Hindi lahat ng kwento ay totoo.
May kwentong barbero.
May kwentong kutsero.
Pero ang kwento ay kwento.
Ang akin, Bartero.
Basahin mo...
Malay mo...
May kwenta rin pala kwento ko.

Paasang Lindol

November 27, 2007

At akala ko'y ako'y nahihilo lang…

     Nahihilo sa sobrang daming iniisip…

          Pero teka, e bakit parang literal na gumagalaw ang paligid?

               Wow… Lumilindol nga.

                    "Ui, lumilindol!! Lumilindol!!"

                         "Hindi naman e… Ai, lumilindol nga!!"

 

Ok. First experience nanaman. First time kong makaranas ng lindol sa school. Hindi ko alam ang gagawin… at wala rin naman talagang akong pakialam kanina. Haha. Nagkapakialam lang ako nung sinabi nga nilang lumilindol nga talaga. Malakas din yun a. Kahit papano natakot din ako… na mahulog sa inuupuan ko. Hindi naman siguro lindol ang dahilan ng pagkamatay ko. Sana. Haha.

 

"All students vacate the building."

(with matching megaphone pa)

"All students vacate the building."

 

Pinapalabas kami ng building habang kami'y nagququiz sa OB. At ang prof ko, si Famadico, cool na cool lang, "Ten minutes lang yang test na yan. Saka hindi naman tayo pwedeng makipagsiksikan sa pagbaba."

??? Teka… pano pagnag-aftershock nga? Haha. Ayoko namang mamatay ng nagtetest. Haha. Parang napakawalangkwentang dahilan naman na pagkamatay yun. Haha. Nagsisigawan na ang mga tao sa labas. Kami nagtetest pa rin.

Kung sakaling lumindol nga ulit at sa kasamaang palad ay kami'y nasawi, pano kaya nila sasabihin sa mga magulang namin ang dahilan ng pagkamatay namin? Haha. "Pagpasensyahan niyo na po, mas pinili ng anak niyo ang pag-aaral" ?? Haha. Kung hindi lang si Famadico ang prof baka lumabas na lang ako dun. Haha.

Lumabas din kami after ng test. Daming tao sa labas ng building. Akala namin wala ng pasok. "WOOOOOOOOOOOOOW!!! Wala ng Pedia!! Weeeeeee!!" Ginusto namin mag-Dota, kaso puno lahat. Kaya nagdecide na lang kaming tumambay sa Dapitan. Gusto ko na sanang umuwi… tapos may nagtext. "Balik na ulit, tuloy ang klase."

Ako'y pinaasa ng lindol na lumipas…

     Akala ko'y saya ang kanyang idudulot…

          Akala ko lang pala…

               Gusto ko pa ng lindol…

                    Lindol pa please.

 

At bumalik nga kami sa building. Malungkot. Nagsisibalikan ulit ang mga estudyante. Buti pa sila, nagsisibalikan.

Posted by mgakwentongbartero at 7:50 pm | permalink

Previous Comments

manhid na ako. hindi ko naramdaman yung lindol

Posted by madel at November 28, 2007, 7:27 pm

nge!first time ko rin makaranas ng lindol last november 27 2007.

kala nahihilo lang ako pero lu milindol pala..

sana lumindol ulit ng intansity 2.6..
MERRY CRISTMAS!

Posted by kr at December 18, 2007, 12:50 pm

hoy!!!! d bro pag may lindoL ha,,,,makakasama yan sa ating kalikasan,,,o sa ating kinabukasan,.,,anu vah,,,by…yle..

Posted by yle at February 3, 2008, 5:06 pm

hahaha…. sana lagi nlang my lindol? para wlang klase, wla rin new learnings… but astig!,cool “LINDOL PA PLEASE”

Posted by HARRY at July 23, 2008, 11:35 am

SANA WALANG LINDOL PRA WALANG MASASAWING BUHAY. PAG MAY LINDOL AY NAKAKADAMA TAYO NG PAGKAGUTOM, PAGKAUHAW DAHIL TAKOT TAYONG LUMABAS SA ATING LUNGGA……..dba!!!lindol ay huwag alalahanin pagkat diyos ay nandyan tumitingin sa anumang gawain…..!

Posted by jinky at January 13, 2009, 3:39 pm

always pray to GOD ‘coz he is the only person
who listen to our every prayer……i am right?

Posted by jinky at January 13, 2009, 3:45 pm

always pray to GOD ‘coz he is the only person
who listen to our every prayer… am i right?

Posted by jinky at January 13, 2009, 3:45 pm

hindi lang po sa lindol,o sa panahon ng mga kalamidad natin dapat maalala ang Diyos. dapat po ay lagi tayong tumatawag sa Kanya, nagpapasalamat maging sa mga munting biyayang ating natatanggap.
nawa’y Kanya tayong gabayan sa araw araw!!!

Posted by dhan at October 24, 2009, 10:27 am

You are still what you were, while I have learnd how to keep distance.

Posted by juicy couture outlet at December 21, 2010, 11:45 am

Add a comment