Home » Post Item » Makati Standoff
Makati Standoff
November 30, 2007Anong masasabi ko sa nangyari kahapon?
- Pabida si Trillanes. Feeling Andres Bonifacio. Kasi Bonifacio Day ngayon. Tama bang magsisigaw ng "Sumama na kayo sa amin" sa gitna ng daan para manghikayat ng mga tao. Sinong mga bobo naman ang sasama sa ganun. Pabida. Hindi rin naman pala kayang tapusin. Pwet.
- Walang kwenta ang AFP. Para saan ang tangke sa loob ng hotel. Tatangkehin ba nila si Pabidang Trillanes? Panindak lang? Para saan ang tear gas sa loob ng isang napaka luwang na area. Pati nga media hindi nila napalabas e. Walang kwenta talaga.
- Pagulo ang media. Kudeta ba yung kahapon? Kung oo, kudeta ba yun ng mga media? Asus, puro media lang ang nakita ko sa TV e. Parang 1:10 ata ang ratio ng sundalo at media. Masabi lang nila na matapang sila, hindi sila umalis. Asus, tapos sasabihin ni Pabidang Trillanes na media ang dahilan kaya sila sumuko. Pwet. Pabida talaga. Pati media, pabida, haharang harang. Pano kung nabaril sila? Sisihin nanaman nila ang gobyerno nanaman? PABIDA!!!
- Anong Martial Law nanaman yan? Anong curfew curfew? Pausong Gloria yan. Hindi pwedeng magkamartial Law. Paano na lang ang mga taong sa gabi nabubuhay? Paano ang mga may night life, may night duty, mga security guard, mga p*ta at bugaw, mga tindero ng balot, mga lasinggero? Paano nalang?
- Ano nang susunod? Kelangan pa bang makialam? Ano bang magagawa ko? Sana matuloy yung debut na pupuntahan ko mamaya sa Makati. Amp. Yun lang naman talaga ang pakialam ko e. Walang kwentang citizen talaga ako.
Previous Comments
pahamak talaga yang mga pasaway na yan sa mga gimik eh!
Posted by Misyel at November 30, 2007, 12:02 pmwahahahah. ok. ako hindi lalabas ng bahay. jusko.
Posted by maddy at November 30, 2007, 12:50 pmbuti nmn at ntuloy ung debut… haha…
Posted by mgakwentongbartero at December 1, 2007, 4:05 amAng galing ni trillanes .. .. aasahan kong hindi pa tapos un, at may susunod pa.!
Posted by esoteriko at December 3, 2007, 11:14 pm


ako, di ako makapunta dahil ke trillanes,. nakakaiyak nga e. ayaw ng tatay ko. nagkakagulo n nga daw sa makati e mgpparty pa ako. bad 3p tlga c trillanes
Posted by vian at November 30, 2007, 10:26 am