Home » Post Item » CUPCAKE
CUPCAKE
December 5, 2007Super enjoy nitong araw na ito. Pumunta kami ng PLDT (Mandaluyong) para mag-conduct ng interview sa canteen nila para sa project namin sa Nutrition. Sa dinami-dami ng cateens at fastfoods sa loob at labas ng UST, hindi ko alam kung bakit umabot pa kami sa Mandaluyong. Haha.
We were supposed to meet at 10:30 AM. Nagising ako, halos 10:00 na. Natulog ako ng 2:00 ng madaling araw before nun kaya medyo parang masama pa ang pakiramdam ko. Ilang araw na rin kasi ako nagpupupuyat. At nagpupuyat nanaman ako ngayon. Anyway, back to the kwento, Ako na lang ang hinihintay nila nang makarating ako sa meeting place. Naglakad ako from Espanya hanggang Dapitan at pagdating ko, paalis na rin sila. Sakto, roundtrip, Dapitan to Espanya naman. Haaaaaaaaaay. Lalo tuloy sumama ang pakiramdam ko. Buti na lang binigyan ako ng Reese's, natuwa ako, parang bata lang. Haha. Feeling ko masisira ang araw ko.
Nag-jeep kami hanggang LRT sa Q ave. Natuwa na lang ako kasi parang nag-fifield trip lang kami. Haha. Nagulat din ako kasi first time mag-LRT ng isang groupmate ko. Haha. Hindi po siya probinsyana, hatid sundo siya lagi at malapit lang ang bahay nila sa school kaya hindi siya nagcocommute. Haha. Once pa nga lang daw siya nag-jeep mag-isa e. Haha. At from UST to San Lazaro pa. Haha. Siya lang ang taga-Metro Manila sa group namin na kasama kanina. At siya pa ang first timer. Haha.
Dumating kami sa PLDT nang 12:30. At dahil, mataas na tao ang nanay ng groupmate namin, madali lang naming namanipula ang sekyu. Haha.
Dun na rin kami naglunch sa canteen nila para naman masubukan namin ang pagkain nila at makapagreact na rin. Haha. Hindi ko maalala yung name nung food na kinain namin basta pork siya na may kasamang maraming onion rings. At competitive ang pagkain, masarap at mura pa. Naisip nga namin sana sila na rin ang canteen namin sa school kasi yung cafeteria sa school, masarap nga… mahal naman… sobrang mahal. Pati yung koreana kong RLEmate namahalan. Haha.
After lunch, sinimulan na namin ang interview. Labas nila lahat ng camera nila. Haha. Para kaming professional media. Haha. Tatlo tatlo ang camerang kumukuha ng pics at videos. Haha. Yung iniinterview namin nagmumuka ng celebrity sa dami ng cam na nakatutok sa kanya. Haha. Actually, kamuka nga niya si Lotlot de Leon e, plus 20 more years siguro. Haha. Pero para makabawi naman kay Ate Joey (yung ininterview namin), mabait siya at very hospitable, at magaling magluto, at mag-cashier kung kinakailangan daw.
Tinour niya kami sa kanilang napakagandang kitchen. Seryosohan sa kitchen, linis linis. Parang yun ang pinakamalinis na kitchen ng canteen na nakita ko… kasi yun pa lang ata ang kitchen ng canteen na nakita ko. Haha. Cameraman ako kanina. At habang iniinterview nila si Ate Joey, ako, kasama ang ibang RLEmates ko, naman ay nag-interview rin ng iba pang members ng kitcheners. Haha. Nainterview naman namin si Kuya Juancho ata pangalan. Haha. Hindi ko sure kung yun nga ang pangalan niya. At nasabi niyang pork barbeque daw ang favorite niyang lutuin. Wala lang, nasabi niya lang. Haha. Naintervie din namin ang best baker nila habang gumagawa siya ng Banana Cupcake. Dati raw, dishwasher lang daw siya. Pero after five years, napromote siya at naging baker. Dun ko nalaman na kapag may sipag talga, may nilaga. At six years na siyang baker. So all in all, 11 years na siyang nagtatrabaho dun. Wow. Nilagang nila na siya. Haha.
Pero ang pinakaenjoy talaga ay ang after the interview. May free Cupcakes pa kami. Puro video at picture taking ang RLE Group namin. Ngayon, super appreciate ko na ang group namin. Kahit na sobrang sipag at talino nung iba, ok na sa akin. Minsan nga nihihiya na rin ako kapag feeling ko wala na akong naitutulong. Kaya as much as possible, nakikilevel na rin ako sa kanila. Mukang nakakabuti naman sa akin. Haha. Sobrang napakasaya nung kanina. Laugh trip buong araw. Lumalabas na ang funny sides ng lahat ng groupmates ko. Nakakaimpluwensya na rin ako. Haha. (I'll be posting some pics and videos pag napost na sa multiply)
Hinatid na kami sa UST pauwi. At tuloy pa rin ang picture taking sa mga bagong lagay na christmas lights sa school. Tuloy nanaman ang ligaya. Natatawa pa ako dahil yung isa kong groupmate, pag nagpipic, laging right side ang nakaproject. Automatic na daw. Haha. Pinasubok namin kung kaya niya magpose na left side naman ang nakaproject… hindi niya kaya. Haha. Papractisin niya daw. Haha.
Dumerecho kami sa Dapitan after, para magdinner. Kwento kwento sa mga nangyari kanina. Pagkatapos, uwian na.
At may mga nalaman ako ngayong araw na 'to:
- Masarap ang libreng cupcake.
- Madaling pakisamahan ang mga masayahing tao.
- Wag tignan ng mababa ang ibang tao kahit na anong estado niya sa buhay.
- Mahirap kapag siksikan sa LRT at first time ng katabi mo habang nakatayo kayo.
- Lahat ng tao ay may good at bad sides.
- At, maraming bagay ang pwedeng magpasaya sa tao… basta gustong sumaya nung tao.
:D
Previous Comments
wahaaa baliw
Posted by rex at August 12, 2008, 5:58 pm


Ang sarap talaga maging studyante, parang gusto ko ulit mag-aral hehe.. Sarap talaga ng pagkain lalo na kung libre.
Posted by Misyel at December 6, 2007, 5:14 am