Home » Archives » December 2007 » Page 2
Toxic
December 16, 2007Haaaay. Tagal ko na ring hindi nagbblog. Sobrang busy kasi sa school at ospital lately. Kahapon sobrang "toxic". Hindi ko alam kung saan galing ang word na "toxic" at kung bakit yung ang gamit nilang term kapag sobrang busy na.
Nag-assist ako sa delivery ng baby kahapon. Grabe!! Sobrang waaaaaaaa. Lalong lalo na ang episiotomy (ang paggupit nung "ano" ng nanay para magkasya ang baby sa "ano" niya). Pero nakakatuwa nga kapag nakita mong nakalabas na yung baby. Para nga akong supportive na tatay dun e. Nagdadasal na sana ok lang yung baby. Ampangit naman kasi ng feeling kung yung unang baby na inasisstan kong ianak, e may mangyari pang masama.
Buong shift kahapon, may ginagawa ako. Nakatayo ako ng halos anim na oras. Well, mas ok na yun kasi may case ako at experience. Yung ibang groupmates ko kasi na naghihintay na ma-deck, walang magawa kahapon at inis na inis sila sa sobrang ka-boringan sa nurses' room. Pero sobrang nakakapagod at sobrang ambaho ko na ata after… amoy lochia. Haha.
Pero after na hirap… saya naman. Nagkunwariang Christmas Party ang RLE group namin sa Tokyo Tokyo after duty. Sobrang sarap at sobrang busog. Sobrang saya rin. Hindi na nga namin namalayan na 4:00 na pala agad. Ambilis talaga ng oras ngayon.
Kagabi, dumating yung pinsan ko at asawa niya. Nag-barbeque party dito sa apartment. Kwentuhan, inom, kain… tapos nakatulog din ako ng maaga kagabi. Sobrang toxic kasi sa ospital. Zzzzzzzzzz…
Exams pa bukas. Haaaaaay.


