Mga Kwentong Bartero

Hindi lahat ng kwento kwela.
Hindi lahat ng kwento ay totoo.
May kwentong barbero.
May kwentong kutsero.
Pero ang kwento ay kwento.
Ang akin, Bartero.
Basahin mo...
Malay mo...
May kwenta rin pala kwento ko.

Saved Message

October 8, 2007

Loving is trusting yourselfwith someone who has seen you at your worst yet loves you anyway. It means tearing each other and laughing at inside jokes, the kind that only the two of you understand. It means feeling safe to talk about anything and having the patience to work out disarguments. It means counting on someone who sympathizes when you had a bad day, worries about you when you're good too long and always welcomes you with open arms no matter what.

-Lubby Dubb 8:50:45PM Aug-8-2007

I don't know why it is so hard for me to talk about what I feel. Minsan galit na ako, kinikimkim ko lang. Oo, masakit pero ok na yun kesa naman makagulo pa ako lalo. Sige, I will use some Psychology… hehe… Noong bata pa ako, kapag pinapagalitan ako, tumatahimik na lang ako… Hindi ko sinasagot ang nanay ko… Kahit na alam kong wala naman talaga akong kasalanan (wala nga ba? 'Di ko na maalala… haha). One time, habang ako'y umiiyak at pinapagalitan, sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak… At yun na nga ang huli kong iyak (maliban sa love life dati syempre… hehe). At kapag ako'y galit, andaming negative thoughts ang lumalabas sa utak ko… Pero madali lang din naman mawala… Konting lambing lang, ok na ako… Konting tulog lang, nakakalimutan ko na… Konting siomai with chilli and RC, solb solb na uli… Konting slow music lang, kalmado na uli… Mahirap lang kapag nasabayan na ako…

Minsan malungkot na ako, pilit pa rin akong nagpapakasaya. Kasi kapag malungkot ako at iisipin ko pa yun, lalo akong lumulungkot. Pinepeke ko ba ang nararamdaman ko? Siguro… Kasi mahirap ang malungkot… Kasi kapag malungkot ka, lumulungkot na rin ang ibang tao sa paligid mo at ayokong nakikitang malungkot ang mga tao sa paligid ko… Lalong lalo na kung dahil sa akin. Kaya kung malungkot ako, hinahayaan ko lang, lumilipas din naman e… Minsan kahit hindi ko na sino-solve ang lungkot ko, kusa na lang lumilipas… Mahirap lang kapag paulit-ulit na yung dahilan ng pagkalungkot ko… Dun niyo na ako makikitang tahimik… Dahil sino-solve ko na ang kalungkutan ko…

Madalas din seloso ako… Kasi madamot ako… Tinatago ko lang… Tatahimik nalang ako… Kahit na alam ko namang wala akong dapat ipagselos at alam ko namang 'di ako ipagpapalit, basta nagseselos nalang ako… Kapag nararamdaman ko nang nagseselos na ako, kinukulong ko agad ang negative thoughts… Minsan nakakakawala parin yung thoughts na yun… Ayun, problema ko na yun… Haha…

Kapag galit, malungkot, o nagseselos ako… Ako lang ang nakakaalam… Dahil hindi ko pinaaalam… Pero sige, ipapaalam ko na rin… Para alam niyo… Hehe…

Yan po ang expanded version ko ng "Nobody knows me"…

Pero ang love at friendship na pinapakita ko… LAHAT YUN TOTOO…

Lahat din ng kakornihan ko… Totoo… Pagpasensyahan niyo nalang… haha…

 

Posted by mgakwentongbartero at 6:10 am | permalink | comments[1]

Sponsored Links