Home » Tags
Sunday Blues
September 23, 2007Kahapon Saturday… Tanggap ko walang Saturn dito…
Pero ngayon ay Sunday… SUN-day… BAKIT WALANG ARAW!!!
Nagising ako 10:00 na… Makulimlim parin… Mga ganitong panahon masarap humiga-higa lang at kumain ng champorado habang nanonood ng Sunday TV MAss… Pero dati lang yun… Walang champorado dito sa apartment at saka tapos na rin yung Sunday TV Mass… Naalala ko tuloy yung sundo ko nong Kinder ako… Si Kuya Boy… Boy Mabuhay buong ngalan niya…
Si Kuya Boy ay:
-
nagsisimba sa Tv
-
nsa bahay non para manood ng championship ng PBA
-
Alaska fanatic sya non
-
maraming nkakatuwang jokes tulad ng "Kung ito ay bigote (sabay turo sa bigote nya), ito ay balbas (turo sa balbas nya na fly away din), ano ito(sabay turo dun sa buhok sa ilalim ng lower lip nya)? Ang sagot: AT… Mababa pa kaligayahan ko non… Natutuwa na ako dun… Haha…
-
may tiniuturong UFO sa daan
-
mejo mataba at kamuka ni REZ O REX CORTEZ (d ko sure yung pangalan basta sya)
-
kulot
-
mahilig kumanta dati
-
nakatira sa bahay na may katabing malaking bodega (marijuana ata sideline nya… haha)
-
at niloloko namin dati ng "GIRL MAMATAY" ang kabaligtaran ng ngalan nya
D ko alam kung bakit, pero nong sumunod na taon… D na sya ang sundo ko…
Lumipas pa ang mga araw, buwan, at taon, d ko nakita si Kuya Boy… Balita ko naging Barangay Captain daw sya… Ang Gara ng Buhay kay BOY MABUHAY… Haha…
Isang umaga… highschool na ako non… papasok na ako sa paaralan nang biglang may dumating na tao sa bahay namin… SI KUYA BOY bitbit ang kanyang anak… ipapa-check-up nya daw kay mama… Ganito usapan namin: "Ui Dwight, ai si Dwight ka ba? Bart kuya… Bart ako… Laki mo na a… D nga e… Haha… Hahaha… Anak mo? OO… Papasok ka na? Oo… Beep beep… Sige pasok na ako kuya… Sige…"
Yun ang kwento ni Boy Mabuhay… Haha…
Balik tayo sa aking SUN-day… Umuulan na at papasok pa ako mamaya para sa CWTS… Haaaaaaaaay… Nagluluto si Ate Tess ngayon… D ko pa tapos report at assignment ko…
Ai, si Leny, yung dating katulong nmin na may 7000 pesos na bill sa telepono… NASA KAPITAPARTMENT NAMIN… Haha… Dumating sya kninang umaga… Kinuha sya nung kpitapartment namin… Magkasundo kasi sila at pareho silang maingay… Haha… Masaya na ako kay Ate Tess na 40 years old na akala ng iba ay 20 years old lang (hindi dahil sa kanyang panlabas na kaanyuan kaya akala nila 20 years old lang sya, kundi dahil di naman talaga nila kilala si Ate Tess at nag-aassume lang sila) Ikukuwento ko naman si Ate Tess…
Si Ate Tess ay:
-
kasama namin dito sa apartment apat na buwan na
-
magaling magplantsa, maglaba, maghugas ng plato, magwalis, magpunas punas, at mag-ayos ng mga nakakalat na libro
-
may anak na ang pangalan ay BEGE
-
mahilig din sa UAAP Basketball (kulang nalang mag GO USTE sya ksabay ako)… Dugong Tomasino yan si ate tess…
-
nagjojoke minsan… tumatawa nalang ako
-
hinihintay nya ako lagi dumating para sabay sabay n daw kmi maghapunan
-
mahilig sa gulay
-
nasasayangan sa sabaw na hindi nauubos (pampataba daw yun… gusto ko nga syang i-health teaching e kaso nakakahiya lang talaga… haha)
-
mejo chubby
-
female version sya ng isang komedyante
-
halos araw araw humihingi saken ng pambili ng Ariel, o Downy, o itlog, o sponge
-
naglalagay ng suka sa nilaga
-
masarap magluo minsan
-
mahilig sa poketbooks
-
at nong past life nya teacher siguro sya (wala lang feeling ko lang… haha… para may masabi lang na past life nya… haha)
Yun si Ate tess… Ganito naman ang last na usapan nmin (with translation na rin): "Bart lalabas ka ba? oo manang… kakain ka dito? oo… A? oo…" Ayun nagluto na siya…
Wala paring araw… pero wala na rin ulan… Sinungaling na SUNday 'to… Haha…
11:20 na… maliligo na ako… 12:00 daw dapat nasa med audi na kmi…
Ano kaya pagnagikta si Ate Tess at Kuyo Boy? Wala lng natuwa lang ako… Haha…


