Home » Tags
Paasang Lindol
November 27, 2007At akala ko'y ako'y nahihilo lang…
Nahihilo sa sobrang daming iniisip…
Pero teka, e bakit parang literal na gumagalaw ang paligid?
Wow… Lumilindol nga.
"Ui, lumilindol!! Lumilindol!!"
"Hindi naman e… Ai, lumilindol nga!!"
Ok. First experience nanaman. First time kong makaranas ng lindol sa school. Hindi ko alam ang gagawin… at wala rin naman talagang akong pakialam kanina. Haha. Nagkapakialam lang ako nung sinabi nga nilang lumilindol nga talaga. Malakas din yun a. Kahit papano natakot din ako… na mahulog sa inuupuan ko. Hindi naman siguro lindol ang dahilan ng pagkamatay ko. Sana. Haha.
"All students vacate the building."
(with matching megaphone pa)
"All students vacate the building."
Pinapalabas kami ng building habang kami'y nagququiz sa OB. At ang prof ko, si Famadico, cool na cool lang, "Ten minutes lang yang test na yan. Saka hindi naman tayo pwedeng makipagsiksikan sa pagbaba."
??? Teka… pano pagnag-aftershock nga? Haha. Ayoko namang mamatay ng nagtetest. Haha. Parang napakawalangkwentang dahilan naman na pagkamatay yun. Haha. Nagsisigawan na ang mga tao sa labas. Kami nagtetest pa rin.
Kung sakaling lumindol nga ulit at sa kasamaang palad ay kami'y nasawi, pano kaya nila sasabihin sa mga magulang namin ang dahilan ng pagkamatay namin? Haha. "Pagpasensyahan niyo na po, mas pinili ng anak niyo ang pag-aaral" ?? Haha. Kung hindi lang si Famadico ang prof baka lumabas na lang ako dun. Haha.
Lumabas din kami after ng test. Daming tao sa labas ng building. Akala namin wala ng pasok. "WOOOOOOOOOOOOOW!!! Wala ng Pedia!! Weeeeeee!!" Ginusto namin mag-Dota, kaso puno lahat. Kaya nagdecide na lang kaming tumambay sa Dapitan. Gusto ko na sanang umuwi… tapos may nagtext. "Balik na ulit, tuloy ang klase."
Ako'y pinaasa ng lindol na lumipas…
Akala ko'y saya ang kanyang idudulot…
Akala ko lang pala…
Gusto ko pa ng lindol…
Lindol pa please.
At bumalik nga kami sa building. Malungkot. Nagsisibalikan ulit ang mga estudyante. Buti pa sila, nagsisibalikan.


