Home » Tags
Bakit Ganyan Ka Doc
November 11, 2007Naiinis ako sa doktor na kasabay naming naglunch kanina. Wala akong pakialam kung siya man ang pinakakilalang doktor sa Tugue. Basta sigurado ako… bastos siya at ugaling aso. Kahiya hiya siya dahil may pinag-aralan pa man din siya.
Kung ituring niya ang waiter parang aso lang na napakababa at hindi dapat inirerespeto. Minuramura niya kanina ang waiter. Binanatan nang binanatan at ang waiter naman ay sorry nang sorry. Kesyo daw matagal dumating ang pagkain niya, maliit daw yung manok niya, gutom na gutom na siya; p*** hindi rason yun para ganunin mo ang waiter.
Ang taas ng respeto ko sa doktor na yun hanggang kanina. Ito yung mga sinabi niya sa waiter na hindi ko talaga lubos isipin na kaya niyang gawin:
"P******i** niyong mga waiter kayo. Lagi kayong ganito. Doktor ako. Hindi ako dapat ginaganito ng mga tulad niyo."
Sa kalooblooban ko, gusto kong tumayo at sapakin yung doktor na yun. Hindi basehan kung ano ka, hindi mo dapat ganunin yung tao.
Sa table kanina, parang ako lang ang nagagalit sa kanya. Lahat nung iba, palibhasa sanay na sa ugali nung doktor na 'to, sinisi pa yung waiter. Pero ang mabuti sa ibang doktor na katable namin, hindi nila binastos yung waiter tulad ng ginawa ng doktor na kinaiinisan ko.
Sinasabi ko sa ate ko na nagagalit ako sa doktor na 'to. Sabi niya, tumahimik na lang ako. At tumahimik na nga lang ako pero deep in side, galit na galit talaga ako.
Ano na lang ang sasabihin ng mga anak niya pag nakita siyang ganun? President pa man din siya ng isang Church organization sa Tugue. Anong karapatan niya? President din siya ng kung ano anong mga organization ng mga doktor.
Kakilala ni mama 'tong doktor na 'to. Kinuwento ko sa kanya yung mga nakita ko. No reaction lang siya. Nainis na lang ako. Bakit ako lang ang nakakita ng kawalang hiyaan ng doktor na 'to? Bakit hindi nila makita?
At dahil convention ng mga doktor ang pinuntahan ko kanina (sumama lang ako para magbitbit ng gamit), lalo akong naeexcite na maging doktor. Haha.
Gusto kong maging doktor. Magiging doktor ako. Kapag naging doktor ako, hinding hinding hindi ako magiging tulad niya.
…
…
P.S. Sarap ng food sa Shangri-La… Ang yabang ko… Haha… Pero hindi ako magiging bastos tulad ni Doc.


