Mga Kwentong Bartero

Hindi lahat ng kwento kwela.
Hindi lahat ng kwento ay totoo.
May kwentong barbero.
May kwentong kutsero.
Pero ang kwento ay kwento.
Ang akin, Bartero.
Basahin mo...
Malay mo...
May kwenta rin pala kwento ko.

02/04/07

August 16, 2007

Today’s Sunday. Fiesta pala ng Barangay dito: Barangay Paraiso. ‘Di ko lang sure kung sino ang patron saint nila, or rather namin. I don’t still feel na taga dito ako. My heart is left in Tugue. Pero almost 1 month na rin siguro akong ‘di nagtetext sa mga friends ko dun. I don’t know kung bakit. Siguro gusto ko lang mamiss nila ako or gusto ko lang na mamiss sila. ‘Di ko talaga sigurado. Siguro tinatamad lang ako. Pero it seemed to be a good thing kasi naprepare ko nang walang unli. Nagmahal na unli ngayon at nagaalburuto lahat ng mga Globe. Nagtext ng si Xyza kanina e, tinatanong kung magsu-sun ako. ‘Di ko pa rin nireplyan. Siguro si Diana ang dahilan kung bakit ayoko ng magtext na masyado. Napagiisip nga ako kung tama ba yung ginawa ko. Nahihiya lang siguro ako dun sa mga nakaalam nung nangyari. Naalala ko yung kasabihan: “More talk, more mistakes. Less talk, less mistakes.” Pero I don’t miss her (o yun lang ang gusto kong sabihin sa sarili ko). 2 or 3 months na rin siguro ang nakakaraan. I can’t seem to totally move on. Pero I’m not bitter anymore (linya ni Karen yun a, sa YM). So, tuloy sa nangyari ngayong araw na ‘to… buong umaga nagddrums yung mga fiesta boys and girls. I don’t feel the spirit of fiesta. Ibang iba kasi sa pananaw ko ng fiesta. Tinuloy ko nalang yung campaing ng Warcraft. Medyo malayo ko pang matapos. Nasa campaign na ako ng Undead. Tapos nanood ako ng Ippo (Knockout yun, Ippo ang tawag ni Dw8). Naalala ko… sabay kaming nagbreakfast ni Dw8 kanina. Sinabi ko yung balak kong magdriving lessons sa summer. Syempre sabi niya uunahan ko pa daw siya a. Ramdam ko pa rin yung pagka-ego centric niya. Matino namang kapatid yun medyo inggitin lang. Kaninang hapon naman nagreview ako sa SA. The topic was interesting: Socialization, atbp. Kaso magulo yung handout na ibinigay. ‘Di ko maintindihan. Siguro yung lalim ng words ang dahilan, tapos medyo malabo pa yung pagkaxerox. Gawa ni Sir Ori yung handout na yun. ‘Di ko pa rin alam kung bakit gustong gusto ng ibang classmates ko yung prof na yun, lalo na sila Daph. Well, inantok din ako habang nagbabasa. Nakatulog at nagising para magmisa. Naalala ko nga yung text ni Kat kahapon: “When I feel like studying, I just lie down until the feeling is gone.” Napakatotoo dahil ganun na ganun ang ginawa ko. Paggising ko may text si ate Annika. Punta daw kami ng SM kaya nag simba ako ng maaga. Tapos parefill ko daw yung ink ng printer sabi ni Dw8. On the way sa simbahan, may prosisyon kanina, kasi nga fiesta. They tried their best para mafeel naman ng mga tao na fiesta pero wala pa rin talaga. May mga bata na may hawak na kandila, crucifix, insenso, at saka sculpture nung patron saint (‘Di ko alam kung si St. Peter, St. Francis, o Saint, Dominic) at may kasabay ding mga religious group ata. So yun, natrfic ng sandali tapos nagmisa na ako tapos uwi na rin agad. Pagdating ko dito sa apartment, nagluluto sila Leny sa labas ng kapitapartment. Meron ata silang happening, ‘di ko alam kung ano. May pansit nga dito, atbp. Tapos sinulat ko na ito kasi walang magawa. Kararting ni ate Annika. Punta palang kami ng SM. Nakabili ako ng collared shirt sa Urbanwear: white na my stripes (kung hindi man lahat e halos lahat ng collared shirt ko e striped). Tapos bumili rin kami ng mga bowls at baso dahil nakakawalang gana ang mga kitchenwares dito sa nakakawalang ganang apartment na ‘to. 12:00 na. 11:00 kami dumating kanina pero ‘di pa ako inaantok. GUD NYT NALANG SA AKIN!!!

Posted by mgakwentongbartero at 10:37 am | permalink | Add comment

Sponsored Links