Home » Page 55
02/03/07
August 16, 2007Nagising ako kaninang umaga dahil sa ingay ni Leny at Bon. Paggising ko wala na si Dw8 at ate Anika, ni hindi ko man lang naramdaman na na-on yung ilaw (usually kasi e nagigising ako ng pagswitch on lang ng ilaw). Almost 30 minutes din siguro ako nakahiga at nagiisip kung anong gagawin ko sa araw na ‘to. Prelims na naming sa Wednesday pero parang malayo pa naman. Wala kasi kaming pasok sa Monday at Tuesday. Tinatamad pa akong magreview. Pero bukas sa tingin ko sisimulan ko na. Anyway, napakaboring ng araw na ‘to. Parang gusto kong lumabas ng bahay na ayaw. Nakakatamad din kasi. Tapos wala pa akong kasama. Napagod din kasi ako buong week kaya wala akong gana lumabas. Narinig ko kanina sa kapitapartment naming na may sale daw sa SM pero nagtitipid din pala ako kaya hindi talaga ako pupunta dun. So tuloy sa kwento… nagdecide akong bumangon dahil may narinig akong nagd-drums sa labas. Tapos ingay ng mga kapitapartment at ni Leny at ni Bon. Fiesta pala dito nagyon. ‘Di ko lang alam kung buong QC o Frisco lang. Pedrista Festival daw. Siguro buong QC kasi siguro naman si San Francisco and patron saint ng Frisco (‘di ba may sense naman yung sinasabi ko). So nagdecide akong bumangon at manood ng parade kuno. Nagmadali pa ako dahil akala ko daan lang sila ng mabilisan. Baba ako ‘di pa nagmumumog, derecho sa gate. Nandun sila lahat. Medyo nakahiya pa ngang pumunta e. Parang OP ako dun. Actually OP nga talaga ako kaya nanahimik nalang akong nanood nung mga bading na sumasayaw at kumakain at bumubuga ng apoy. Nothing special. Bukod sa nakakadiring kapangitan nung mga bading e tatatlo pa sila with their matching band na mukang adik sa kanto. Tapos binigyan ni Ate Maida at nung sobre na may pera. Bente ata yung laman tapos pinadagdagan nung bading na lider ata nila. Tapos yun umalis na ako… nandidiri dun sa ichura nung kadiring bading. Kumain ako ng noodles for breakfast. Tapos computer at TV buong araw: Counter, Dota, Campaign ng Warcraft, pic edit, Wowowee, Knockout, Eat Bulaga, Lovely Day, at ‘di ko na maalala kung meron pa man. Ilang months na ba ng huli ako manood ng Wowowee ng medyo mahaba… ‘Di ko na maalala. Basta pinanood ko sya kanina. At nga pala, anniversary nung Ultra Stampede ngayon. Naalala ko last year nandito rin ako noon e para sa interview ko sa UST. Anyway, most of my time was spent for the Campaign of War Craft. Ganun pa rin sya. Parang wala din namang nagbago. Pero ok lang kasi astig naman graphics nya. It is still the same feeling like then when I was in 1st year High school. Natutuwa pa rin ako sa larong yun. Kaso ngayon e wala ng cheats yung pagalalaro ko. Tinapos ko yun noon para masabi lang na natapos yun. Tatapusin ko yun ngayon dahil natutuwa ako. At ngayon nandito na si Dw8… binabasa yung sinusulat ko kaya kunwari nahihya ako!! Wala naman talagang special na nangyari sa boring na araw na ‘to. Ni hindi ko nga ginalaw yung fone kahit pa may magtext wala na akong paki!! All in all wala lang ‘tong araw na ‘to.


