Home » Page 56
02/02/07
August 11, 2007
I don’t know kung anong meron sa araw na ‘to. Basta nagdecide nalang ako gumawa ng parang diary. Siguro nainggit lang ako dun sa ginagawa ni Tyn na blog page nya. So, derecho na… ANG HIRAP GUMISING KANINANG UMAGA!!! Nag-alarm ako ng 4:00 para magreview sana sa English dahil may quiz daw kami. Pero sa totoo lang e ‘di ko naman talaga alam kung anong rereviewhin ko dahil puro common sense lang naman lagi quiz namin dun, sabi ni Ivan. Buti nakatulog ako ng maaga kagabi ‘di katulad nong isang araw dahil akala ko e nafracture yung paa ko dahil natumba ako sa PE. Buti nalang hinde, pero medyo masakit parin (o baka iniisip ko lang yun). So, nagising ako sa alarm ko ng 4:00, tapos pinindot ko yung fone ko para tumigil tapos natulog uli. Tapos after 5 minutes, alarm uli. In-off ko na yung snooze nya. Tulog ulit. Tapos inalarm ko pala uli ng 5:00. Tapos tulog nanaman. In between, nag-alarm naman yung fone ng kuya ko (akala ko sa akin, tingin naman ako sa fone ko). Tapos 5:00 nag-alarm tapos pindot nanaman, tapos ginawang 6:00. Gising ng 6:00 tapos pindot nanaman: 6:30. Tapos 7:00. Ilad-ilad hanggang nagising din. 8:30 pa yung pasok ko. “Di na ako nagreview Naalala ko yung common sense common sense na yun. Bahala nalang mamaya. So, naligo na ako. Putek ang lamig ng tubig. Tapos dito pala sa apartment natulog yung bisita ni Leny. Nandito kaninang umaga at ‘di ako comfortable na may ibang tao sa apartment na ‘to. Kappasiran pa mag toothbrush kanina kasi parang pinapanood pa ako. Kaya yun pumasok na ako ng 8:00. May new experience ako today… MUNTIK NABANGGA NG TREN YUNG JEEP NA SAKAY KO KANINANG UMAGA…WOOHOOW… Bobo nung driver!! Buti nalang may nakaharang pang Pajero sa side namin kaya ‘di kami yung agad na madadale kung sakali. Nasa gitna kami ng riles. Tapos nababa na yung parang pole na nagpapa-stop nung mga sasakyan e nasa gitna kami ng riles!!! Hindi kami makaatras tapos traffic. Buti nakabrake ung tren. Sigaw naman yung driver nung tren. Bobo talaga sila!!! Pagdating sa school e kwento kwento muna tungkol sa Dota at sa kung ano ano pa (pati yung about sa tren). Tapos nag-quiz kami sa English about Thesis Statement daw. All or nothing na quiz (lagi naman e). Ayun, nothing ako. Topic Sentence pala yung pinagsasabi ko. After English, wala na. Bisita daw yung rector… wala kaming SA. Dota!!! Dota!!! 8 kami kaninang nagdota. Kasama ko Berj, Jino saka Stalin… Tapos si Javs, Ivan, Tim, saka Wren. Gamit ko Centaur. BEST DOTA GAME KO YUN!!! Imagine turn around turn around, literal. Makaggudu!! Tapos talo kami. Yung ref saka toothpick nalang natira. Defend saka push basta magulo. Tapos napikon si Tim dahil na-gangbang sya. Nagbantang manununtok. ASA!!! Swete nya natutuwa pa kami kanina sa laro kaya hayun hinayaan namin yung putek. Pikong Gag* yun. Tapos Lunch sa Goldilock’s. 98 yung lunch ko: Puto Dinuguan. Ang mahal!! Tapos Theo na. Wala lang, parang kwento kwento lang buong subject. May recitation, ‘di naman ako natawag. Pero ok lang kahit matawag ako. Natapos yung Theo. Picture-taking na. Class picture sa Arch of the Centuries. Lakas ng loob ni Stalin, tawid tawid lang dun sa Arch. Ayaw maniwala sa curse curse na yun. Tapos barkada pic naman. Kaming mga Dota boys ang nagsamasama din. Natatawa at nalulungkot ako nung makita ko yung grupo nila Monica, Kristina ganun. Parang pilit na pilit lang silang nagsama. Si Maui kasi… Edi marami sana kaming magbabarkada na nagpic dun. Away away kasi kaya yun naghiwahiwalay na kami. Tapos Dota sana ulit.. tinamad na ako kaya uwian na. Nice day all in all. Pagdating ko kanina dito sa apartment nanood ako ng The Stone Family, ganda rin. Tapos napag-isip isip kong magsulat ng ganito… Yun lang!!


